Gawa ba’y may pakinabang

C701 CB1080 E1080 F210 G1080 K701 P467 R785 S491 T1080
1
Gawa ba’y may pakinabang?
Mga bagay walang bago!
Lilipas, malilimutan,
At pawang bigo!
 
Walang kabuluhan!
Pawang pagkabigo!
Hinahabol ang
Hangi’t anino.
2
Buhay ng tao’y pighati:
Karununga’y kapanglawan!
Kaalama’y dalamhati,
At kabiguan!
3
Anong silbi ng iyong yaman?
Pamilya at kasayahan,
Lahat ay kabalisahan,
At kabiguan!
4
Magdamag pinagsikapan,
Kahit mabuting nakamtan,
Pag namatay, kasawian
At kabiguan!
 
Walang kabuluhan!
Pawang pagkabigo!
Hinahabol ang
Hangi’t anino.
5
Al’lahanin ang Maylalang
Sa araw ng kabataan,
Diyos mahalin, katakutan,
Siyang kasiyahan!
 
May Kristo, mayaman!
Walang Kristo, salat!
May kabuluhan -
Kristo ang lahat!