Hinanap sa paggiliw

C737 CB1068 D1068 E1068 F206 G1068 K737 LSM307 P466 R779 S489 T1068
1
Hinanap sa paggiliw,
Akong walang aliw,
Pagal, may kasalanan,
Inuwi sa kawan.
Habang sa Kanyang harapan
Mga anghel nag-awitan.
 
O pag-ibig sa ’kin,
Humanap, umangkin!
O dugong dulot katubusan,
Biyayang nag-uwi sa kawan!
2
Sugat ng kasalanan,
Kanyang hinugasan;
Langis, alak, ’binuhos,
Nang gumaling lubos,
Kanyang tinig na kay tamis
Lunas sa puso kong hapis.
3
Bakas ng pagkapako,
Sa aki’y ’tinuro;
Ang may tinik na putong,
Sa Kanya’y ’pinatong;
Bakit nagdanas ng dusa,
Dahil sa akin na aba?
4
Nang sa Kanyang presensiya,
Pinagmasdan ko Siya,
At Kanyang pagpapala
Aking ginunita.
Di sapat ang mga araw
Upang papuri’y isigaw.
5
Habang ang mga oras
Ay nagsisilipas,
Iisa lang na bagay
Aking hinihintay;
Na sa tabi Niya’y tawagin,
Kasintahan Niyang kapiling.