Sandakot ba't di bit'wan na

C488 E8488 Tc488
1
Sandakot ba't di bit'wan na,
At busgin ang propeta.
Panalapi Diyos bahala
Panustos maubos ba?
Bawa't araw may kai-langan,
Bawa't araw may laan.
Yamang ika'y nilikha Niya
Di ba siya maghahanda?
 
Nagmamahal, namimigay
May sandakot pang taglay.
Sa pag-alay at pag-ibig,
Mas higit pa'ng kapalit.
2
Hindi Siya mag-aantala,
Manalig ka sa Kanya;
'Di adag, ‘di rin makupad,
Banga ay lagging sapat.
Lirio sa damit ay kapos,
Ibon walang panustos;
Nguni't sa banga ng biyuda,
Sandakot may makuha.
 
Nagmamahal, namimigay
May sandakot pang taglay.
Sa pag-alay at pag-ibig,
Mas higit pa'ng kapalit.
3
Bakit ka pa mag-alala,
Sapat ngayon, magsaya.
Ba't sa bukas mabahala,
May sandakot ka pa nga!
Maghasik ka nang marami
Mas higit ang iyong ani
Magmahal ka't mamigay pa,
Masdan! May sandakot pa!
 
Panginoon, bigyan Mo
Ang lupang ito
Ng pananauli—
Hadlang mapawi.
 
'Spiritu'y magningas,
Buhay Mong wagas,
Ihatid sa iba,
Lunas ang dala.