Ang kaugnayan ng Diyos sa tao

C450 E8450 Tc450
1
Ang kaugnayan ng Diyos sa tao—
Pawang sa ‘spiritu,
Dito mahipo ng tao ang Diyos,
Maranasang lubos.
 
'Spiritu'y nagsilang,
'Spiritu'y sumamba,
Espiritu ang buhay, salita,
At tubig na buhay.
2
Tao'y nilikhang may espiritu
Ng Diyos Espiritu,
Dito niya masamba at mataglay
Ang Diyos bilang buhay.
3
Tao'y muling naisilang ng Diyos
Nang Kanyang pinuspos,
Diyos sa ‘spiritu niya'y matatamasa,
Makasalamuha.
4
Diyos nagpuspos, nagtustos, nagbago
Sa pagkatao ko,
Espiritu, kalulwa't katawan
Lubos mababaran.
5
Diyos ay nakiisa't nakihalo,
Siya'y makawangis ko;
Ang elemento Niya'y dumaragdag,
Hanggang sa Siya'y mahayag.
6
Ang yaman ng Diyos ay sa ‘spiritu
Natatamasa ko;
Dapat kong langhapin ang Diyos lagi,
Siya'y aking bahagi.