S'harap Mo'y tumirapa

C128 E8128 Tc128
1
S'harap Mo'y tumirapa,
Anong Iyong biyaya!
Maysalang ‘king katulad,
'Niligtas, tinangggap.
Maysalang umiibig,
Sa mundo'y kumapit,
Hinahanap nang mabalik
Sa Iyong may pag-ibig!
2
Puso'y nagulumihanan,
Dah'l sa kasalanan;
Laya ni ‘di ninasa,
'Ko'y hinanap Mo na!
Tinig Mo'y napakinggan,
Nguni't di sinundan;
Kinalabang pulit,
Naging Iyong kaalit.
3
Sa ano bang dahilan,
'King sala Iyong pasan;
Mapayapa ‘kong lubos,
Namatay Ka sa krus!
Lubha ‘king kasalanan,
Namuhay sa laman;
Ugali ko'y masama,
Bakit Iyong sininta?
4
Sinilangay'y sabsaban,
Anong kababaan!
Danas karukhaan,
Dah'l sa akin lamang!
Ano ba may'ron ako?
Mahal Mong totoo!
Kaya binatang dusa
Nang ako'y mapala!
5
‘Nong higit ko sa iba?
Sa ano maganda?
Krus par'sa'kin pinasan,
Langit Iyong linisan?
Tuwing maisip Kita,
Tunay ako'y wala;
Di Ka mabigyang-siya,
Kaya ‘ko'y nagitla.
6
Anupang sasambitin,
Ako'y inibig din?
Biyayang kay dakila,
Ako'y Iyong sininta,
Ako na may sala!
7
Yamang nabigyang b'yaya,
Dapat magningas na;
Maghain, gunitain,
Higit pa'y ibigin.
Kahabagan Mo ako,
'Sing lamig ng yelo;
Pusong nakakilala,
Sa Nagbigay b'yaya.
8
Buhay Mo Iyong ‘binigay
Salamat di taglay!
Ang langit Iyong nilisan.
Ang krus Iyong pinasan,
Ngunit ako'y malamig
Sa daang makitid!
Sarili'y di mabit'wan.
Hirap iniwasan.
9
Nang mapagmuni-muni,
Ako nga'y may lugi;
Kay sama ng sarili,
At dito'y namuhi.
Hindi sa di Mo batid,
Puso ko'y lalamig
Bakit Mo pa ‘binigay
Ang biyayang tunay?
10
Kamatayan binata,
Dusa pinasan pa.
Pagdusta tinanggap Mo,
Malamig na puso ko!
Yamang batid Mo ako,
Na ako'y ingrato,
Bakit Ka pa nagdusa?
Ba't Ka pa nagdusa?
11
Bagama't Iyo nang batid,
Sa Iyo ‘ko'y lalamig
Nguni'y ako'y inibig
Buhay inihatid
Nang maisip ko ito,
Luhay'y napatulo,
Puso'y may pasalamat.
Bagama't di sapat.
12
Sa dakilang pag-ibig,
'Di ko nga mabatid
Sadyang kamangha-mangha.
Nais kong sumamba
Makalangit na pala
Marami't dakila
Aawitan Kang lubos
Purihin akong Diyos!
13
Liwanag mal'walhati,
Ako ay pupuri;
salamat sa biyaya,
Ako ay sasamba.
Sa Herusalem Banal,
Ika'y maitanghal;
Sinta'y di mabayaran,
Ika'y papurihan.