Dakilang pag-ibig—Hesus bumaba
Dakilang pag-ibig—Hesus bumaba
1
|
Dakilang pag-ibig—Hesus bumaba, Sa Kalbaryo Siya ay nagpunta, Dinanas ang hirap, pag-alipusta, Para sa akin Siya'y nagdusa. |
Nagpunta sa Kalbaryo sa halip ko, Sa halip ko, sa halip ko, Nagpunta sa Kalbaryo sa halip ko, Iniligtas ako. |
|
2
|
O kasawian—Napako si Hesus! Paa, kamay, ulo'y nagdugo, Katawang sugatan, dugo'y umagos, Pagka't kinahabagan ako. |
Kinahabagan ako doon sa krus, Doon sa krus, doon sa krus, Kinahabagan ako doon sa krus, Kinalag ang gapos. |
|
3
|
Lupa kay dilim nang Siya'y hinatulan! Liyab ng banal na kapootan; Pinasan Niya ang aking kasalanan, Sa halip ko'y pinarusahan. |
Namatay sa krus, ako'y hinalinhan, Hinalinhan, hinalinhan, Namatay sa krus, ako'y hinalinhan, Sala ko'y pinasan. |
|
4
|
Mangmang sa biyaya, salaring takot, Ngayon ang Kalbaryo'y nakita, Sa Kanyang dugo, patawad iyong abot, Tinubos sa kamatayan Niya. |
Sa krus nagdugo Siya nang ako'y tub'sin, Ako'y tub'sin, ako'y tub'sin, Sa krus nagdugo Siya nang ako'y tub'sin, Ligtas sa tiisin. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?