Sa araw-araw na pamumuhay

B461 C627 CB863 E863 F163 K627 P403 R142 S390 T863
1
Sa araw-araw na pamumuhay,
Maging sa lahat na pagpupulong,
Si Kristo ang sentro't lahat-lahat,
Dah'l sa Kanya tayo'y nagpupulong.
2
Si Kristo'y daan, ilaw ng buhay,
Tayo ay lumalakad sa Kanya.
Pagkain Siya at tubig na buhay;
Tugon sa ating gutom, uhaw: Siya.
3
Si Kristo'y buhay, katotohanan,
Ibinahagi, ipinamalas,
Siya'y dinarangal na Panginoon,
Siya'y Ulo, ating itinataas.
4
Sa Diyos at tao, si Kristo'y lahat,
Si Kristo ang tanging kasiyahan;
Sa ekklesia Siya ang realidad,
Buhay at bilang Siya ang nagdagdag.
5
Sa pag-awit at sa panalangin,
Si Kristo ang ating ihahayag;
Maging sa lahat pa ng gawain,
Si Kristo sa paggawa'y nahayag.
6
Tayo'y nagpupulong sa Ngalan Niya,
At kumikilos sa Espiritu;
Sa panalangin at pagpuri man,
Sinasanay ating espiritu.
7
Limutin na ang lahat ng bagay,
Tanging kay Kristo lang makiugnay;
Ituring lahat na walang saysay,
Siya ang lahat-lahat sa 'ting buhay.