Poon, sa aki'y magwika

E808 T808
1
Poon, sa aki'y magwika!
Ako ay naghihintay,
Tinig Mong mapagbiyaya,
Sa akin ay ibigay.
Tinig Mo ay diringgin;
Ano ang sasabihin?
2
Madalas sa aking puso,
May ibang alingawngaw;
Dagundong, di sa Iyong templo,
Aking diwa'y inagaw.
Tinig Mo'y iparinig,
Lahat ay matahimik.
3
Huwag tulutan na lumisan,
Kung di Ka maririnig;
Puso ko'y Iyong nalalaman,
Nais ko ang Iyong tinig.
Talos Mo kailangan ko;
Pagpalain Mo ako.
4
Magwika, at Iyong ihanda,
Upang tinig Mo'y dinggin,
Galak na tumatalima,
Bawa't salita'y sundin.
Ako ay nakikinig
Ng wika sa Iyong bibig.
5
Poon, sa 'kin magwika Ka,
Ngalan ko'y Iyong banggitin;
Mas matatag at malaya,
Sundin Kang mas matulin;
Kawan ay in'hatid Mo
Sa anino ng Bato!