1
Ang Iyong Salita'y imbakan,
Panustos, kay yaman
Ang may nais, pumarito
Upang makisalo.
Minahan ang Iyong Salita,
Hiyas na bihira;
Nakakubli sa ilalim,
Upang 'ting hanapin.
Panustos, kay yaman
Ang may nais, pumarito
Upang makisalo.
Minahan ang Iyong Salita,
Hiyas na bihira;
Nakakubli sa ilalim,
Upang 'ting hanapin.
2
Iyong Salita'y tila bituin,
Marami't maningning,
Liwanag sa manlalakbay,
Giya at patnubay.
Iyong Salita ay sakbatan,
Do'n matatagpuan
Mga sandatang kailangan,
Para sa labanan.
Marami't maningning,
Liwanag sa manlalakbay,
Giya at patnubay.
Iyong Salita ay sakbatan,
Do'n matatagpuan
Mga sandatang kailangan,
Para sa labanan.
3
Salita Mo'y iibigin,
Mina'y saliksikin,
Kayamanan nito'y kamtim,
Ilaw ay magningning.
Baluti ko'y Iyong Salita,
Tabak ay pag-asa;
Matutuhan kong labanan.
Lahat ng kalaban.
Mina'y saliksikin,
Kayamanan nito'y kamtim,
Ilaw ay magningning.
Baluti ko'y Iyong Salita,
Tabak ay pag-asa;
Matutuhan kong labanan.
Lahat ng kalaban.
4
Salita ng buhay na Diyos,
Kalo'ban ni Hesus;
Diyos at Kristo'y di makuha.
Kung Salita'y wala.
Nawa'y aming matutuhan,
Kanyang karunungan,
At sa aral makalangit,
Puso'y mapalapit.
Kalo'ban ni Hesus;
Diyos at Kristo'y di makuha.
Kung Salita'y wala.
Nawa'y aming matutuhan,
Kanyang karunungan,
At sa aral makalangit,
Puso'y mapalapit.
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?