Saserdoteng puesto'y banal

B417 C573 CB791 E791 K573 T791
1
Saserdoteng puesto'y banal,
Lagi sa Diyos nag-aalay
Kanyang rilag minamasdan,
Sunugin kamangyan.
 
Insenso'y sunugin
Sa Kanya'y manalangin;
Ilawan ating sindihan
Siya ay papurihan!
2
Likas na liwanag wala,
Kundi sa ilawan lamang;
Kapag sinunog kamangyan
Sisilay ilawan.
3
Nang b'yaya ng Diyos mapuri,
Pukawin pusong umawit;
Saserdoteng gawa'y lagi,
Magdala ng puri.
4
Nang sinusunog insenso,
Kristong nabuhay handog ko;
Nais ng Diyos natugunan
Siya't ako'y nas'yahan.
5
Sa pagbasa ng Salita,
Liwanag aking nakuha;
Gaya'y nasinding ilawan,
May kaliwanagan.
6
Himno aking aawitin
Gaya ng saserdote rin;
Purihin b'yaya't pagsinta,
Puso'y napunan Niya.
7
Dalangi'y handog Kristo,
Pagbasa 'tanggap ilaw Mo;
Aawit dahil sa biyaya,
'Spiritu'y malaya!