Nais manalangin sundin 'spiritu

C566 CB781 E781 G781 K566 P358 R525 S333 T781
1
Nais manalangin sundin 'spiritu,
Konting dalangin 'spiritu'y malabo;
Nagdasal ma'y 'spiritu di ginamit,
Bagay lang dinasal 'spiritu'y waglit.
2
Magdasal at humibik sa 'spiritu,
Ayon sa ramdam Niya, di sa isip ko;
Di na sa ulo kundi sa 'spiritu,
Pagpuri't paghingi, sundin 'spiritu.
3
Di lamang magdasal nang nag-iisa,
'Spiritu'y ensayuhing may kasama;
Di sa panlabas kundi sa 'spiritu,
Dalangin tumugon sa 'Spiritu Mo.
4
Di maglilingkod nang walang dalangin,
Di maaaring labi lang gamitin;
Di basta't manalanging magkasama,
Walang tunay na pagsasalamuha.
5
Saan ma'y maaaring manalangin,
Basta't may tao 'spiritu'y gamitin;
Di dapat mahadlangan ng anuman
Bawa't pagpupulong may kalayaan.
6
'Spiritung napataas at malakas,
Ako'y magamit, Pangino'n may landas;
Sa buhay na tubig banal mahalo,
Sa daloy nito ekklesia'y matayo.