Hesus sa lahat humigit
Hesus sa lahat humigit
1
|
Hesus sa lahat humigit, Hades, lupa't langit; Samba ng anghel at tao, Takot ang demonyo. |
2
|
Hesus, ngalang sinisinta, Bigay sa maysala; Nagpaalis ng pangamba, Nagdalang payapa. |
3
|
Sinaktan ulo ng Dyablo, Napalaya'ng preso; Ang mahina'y napalakas, Buhay ay nagligtas. |
4
|
Nawa'y matikman, makita Ng mundo b'yaya Niya; Pag-aruga'y tamasahin, Pagsinta'y tanggapin. |
5
|
Hayag kong katuwiran Siya, Patotohanan nga: Ang tangi kong dapat gawin, Kordero'y purihin. |
6
|
Magagalak kung sa huli, Ngalan Niya'y imutawi, Sa lahat ipahayag Siya, "Kordero'y masdan nga" |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?