Manlalakbay binigyan ka

B396 C509 CB703 E703 G703 K509 R478 T703
1
Manlalakbay binigyan ka,
Pangakong mahalaga,
Sa iyong daan tungong glorya,
"Gabay mo'y Aking mata."
 
Ika'y Aking gagabayan,
Gabay mo'y Aking mata;
Sa iyong daan tungong glorya,
Gabay mo'y Aking mata.
2
Mabangis man ang panukso
Lumayo katulong mo;
Pangako'y dapat makita,
"Gabay mo'y Aking mata."
3
Naglaho pag-asang lihim,
Sa mga taon nal'bing,
Pangako ay mahalaga,
"Gabay mo'y Aking mata."
4
Panahon ng takip-silim,
Anino'y lumalalim;
Pakinggan ang pagbigkas Niya,
"Gabay mo'y Aking mata."
 
5* Diyos, galak ng 'spiritu ko,
Siya'y hiyas ng 'king puso;
'Tanggap gabay ng mata Niya,
Walang hadlang sal'muha.
 
* Sa Chinese hymn ay may limang (5) saknong.