Sa malayong burol, may magaspang na krus

B369 C454 D618 E618 K454 S293 T618
1
Sa malayong burol, may magaspang na krus,
Tanda ng dusa't kahih'yan,
At mahal ko ang krus, kung saan namatay
Siya par' sa makasalanan.
Iibigin ko ang lumang krus,
Hanggang karangala'y maiwan;
Kakapit sa magaspang na krus,
Sa hinaharap maputungan.
2
Magaspang, lumang krus, hinamak ng mundo,
Lubhang binighani ako;
Langit ay iniwan ng Kordero ng Diyos,
Krus pinasan sa Kalbaryo.
3
Sa magaspang na krus, may bahid ng dugo,
Kagandaha'y makikita;
'Pagka't do'n si Hesus nagdusa't namatay,
Ako'y napawalang-sala.