Kay l'walhati at kay banal

B360 C443 CB602 E602 F121 G602 K443 P309 R437 S284 T602
1
Kay l'walhati at kay banal!
Diyos ay buhay walang-hanggan!
Kay lakas, wagas, at sakdal
Liwanag, habag, at yaman!
Kapuspusan ng pagka-Diyos
Sa buhay rito'y lubos.
2
O pag-ibig at biyaya!
Diyos ay buhay ng tao nga!
May 'spiritu nilikha Niya
Nang doon makapasok Siya.
Ang kaluguran ng Diyos ay
Maging sa tao'y buhay.
3
O pag-ibig at biyaya!
Diyos ay buhay na umagos!
Dati'y kubli, ngayo'y hayag,
Dati'y nagkatawang-tao,
Ngayon Siya ay Espiritu
Naging buhay ng tao.
4
Kay talik, kay lapit nito!
Diyos na kay Kristo'y buhay ko!
Pahayag ng Diyos si Kristo,
Diyos ay nasa lamang-tao;
Namatay, muling nabuhay,
Sa tao'y naging buhay.
5
Kamangha-mangha at tapat!
Diyos ay naging Espiritu!
Pahayag na realidad -
Siya rin sa isa pang anyo;
Tao'y hinihikayat Niya
Nang matahanan sila.
6
Kay tunay at kay halaga!
Tatlo-Isang Diyos ay buhay!
Anak ang agos ng Ama,
Buhat naman sa Anak ay
Espiritung nagkaloob
Ng buhay sa 'king loob.
7
Kay hiwaga at totoo!
Diyos pumasok bilang buhay!
Sa loob ko, kaisa ko,
Sa 'spiritu'y aking buhay.
Aleluya, purihin Siya,
Diyos ay aking buhay na!