Lahat posible sa Kanya
Lahat posible sa Kanya
1
|
Lahat posible sa Kanya, Manalig lang sa ngalan Niya; Ngala'y h'wag lapastanganin, Katotohana'y tanggapin. Sa Iyo sumampalataya, Sa 'kin lahat posible na. |
2
|
Ang pinakaimposible, Sala'y mapawalang-bale, Nguni't totoong nangyari, Kay Hesus, di sa sarili, Ilagak aking tiwala Sa 'kin lahat posible na. |
3
|
Magbago man langit, lupa, Di lilipas ang Salita; Kayang put'lin ng Pangino'n, Sala ko noon at ngayon. Bagay na imposible nga, Sa 'kin lahat posible na. |
4
|
Lahat nga'y posible sa Diyos, Sa kapangyarihan ng Diyos; Kristong nagpabago sa 'kin, Sa Kanya ako'y hubugin. Napalaya na sa sala, Sa 'kin lahat posible na. |
5
|
Lahat nga'y posible sa Diyos, Kay Kristo, ang lakas ng Diyos; Palaganapan Mo ako, Nang ipamuhay si Kristo. Tamis ng kakayahan Mo, Lubos na maranasan ko. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?