1
Panlupa'y lipas na;
Hesus sa 'kin.
Ugnaya'y patid na;
Hesus sa 'kin.
Ilang madilim nga,
Pahingaha'y wala,
Hesus lang magpala;
Hesus sa 'kin.
Hesus sa 'kin.
Ugnaya'y patid na;
Hesus sa 'kin.
Ilang madilim nga,
Pahingaha'y wala,
Hesus lang magpala;
Hesus sa 'kin.
2
Ilayo sa tukso;
Hesus sa 'kin.
Manatili rito;
Hesus sa 'kin.
Bagay nasisira,
At pansamantala,
Hindi padadala;
Hesus sa 'kin.
Hesus sa 'kin.
Manatili rito;
Hesus sa 'kin.
Bagay nasisira,
At pansamantala,
Hindi padadala;
Hesus sa 'kin.
3
Adiyos, hakang isip;
Hesus sa 'kin.
Sa ilaw napawi;
Hesus sa 'kin.
Tanang sinubukan,
Walang kabuluhan,
Siya ang kasiyahan;
Hesus sa 'kin.
Hesus sa 'kin.
Sa ilaw napawi;
Hesus sa 'kin.
Tanang sinubukan,
Walang kabuluhan,
Siya ang kasiyahan;
Hesus sa 'kin.
4
Adiyos, kamatayan;
Hesus sa 'kin.
Tuloy, walang hanggan;
Hesus sa 'kin.
Tuloy Ka, O Sinta,
Tuloy Ka, pahinga,
Tuloy Ka, dibdib Niya;
Hesus sa 'kin.
Hesus sa 'kin.
Tuloy, walang hanggan;
Hesus sa 'kin.
Tuloy Ka, O Sinta,
Tuloy Ka, pahinga,
Tuloy Ka, dibdib Niya;
Hesus sa 'kin.
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?