Napako sa krus kasama
Napako sa krus kasama
1
|
Napako sa krus kasama Ni Kristo at napalaya; Nabuhay muling kasama, Buhay Niya ang namahala. |
Namatay kasama ni Kristo, Ligtas sa sala at mundo; Nabuhay kasama ni Kristo, Sa buhay ko Siya'ng namuno. |
|
2
|
Hiwaga noong di batid, Nalaman sa pa'nalig; Kristo sa aki'y l'walhati, Handugan Siya ng papuri. |
3
|
Kalikasa'y may simbolo: Namunga nam'tay na trigo; Hinugpong sangang mahusay, Nakamit mayamang buhay. |
4
|
Ang lihim ng kabanalan - Di sariling kaganapan; Maalis sa 'kin ang laman, Panginoon, ako'y punan. |
5
|
Ito ang lunas sa sakit - Mamatay lang sa sarili't Hayaang tumustos sa iyo Lakas ng buhay ni Kristo. |
6
|
Mula krus hanggang sa trono Panginoon ang namuno, Una'y kamatayan, saka L'walhati, Siya'ng halimbawa. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?