1
Ang lahat iniwan ko na
Pasang-krus sinundan Ka;
Pasakit di-alintana
Dahil Iyong itinakda.
Mga nais, hanap, asa
Nawala'y di-ininda,
Datapwa't mayaman ako,
Kristo't Diyos bahagi ko.
Pasang-krus sinundan Ka;
Pasakit di-alintana
Dahil Iyong itinakda.
Mga nais, hanap, asa
Nawala'y di-ininda,
Datapwa't mayaman ako,
Kristo't Diyos bahagi ko.
2
Iwan man ako ng mundo
Kagaya ko'y si Kristo;
Tao'y lilinlang sa akin,
Sa 'kin di Niya gagawin.
Nang ngiti Mo Iyong 'pakita,
Itakwil man ng iba
Ako'y hindi mangangamba,
Damdam ko'y mapayapa.
Kagaya ko'y si Kristo;
Tao'y lilinlang sa akin,
Sa 'kin di Niya gagawin.
Nang ngiti Mo Iyong 'pakita,
Itakwil man ng iba
Ako'y hindi mangangamba,
Damdam ko'y mapayapa.
3
Guluhin man ako nino,
Ako'y lalapit sa Iyo;
Mabigat ang pagdurusa
Akin din Iyong payapa.
Kung mukha Mo'y Iyong 'pakita,
'Nong dusa di mabata?
'Nong galak sa 'kin aakit,
Kung Ika'y di kalakip?
Ako'y lalapit sa Iyo;
Mabigat ang pagdurusa
Akin din Iyong payapa.
Kung mukha Mo'y Iyong 'pakita,
'Nong dusa di mabata?
'Nong galak sa 'kin aakit,
Kung Ika'y di kalakip?
4
Biyaya dala'y l'walhati,
Panalig ay baluti;
Walang-hanggan ay darating,
T'yak Niya akong akayin.
Mahihinto ang gawain,
Matatapos lakbayin;
Panalig maging paningin,
Papuri, di na daing.
Panalig ay baluti;
Walang-hanggan ay darating,
T'yak Niya akong akayin.
Mahihinto ang gawain,
Matatapos lakbayin;
Panalig maging paningin,
Papuri, di na daing.
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?