Lubos inalay O Pangino'n

B252 C340 E442 K340 T442
1
Lubos inalay O Pangino'n,
Lubos inalay sa Iyo Poon;
Nasa altar lahat,
Pag-alay natupad,
Tinubos Mo ako.
Ako'y sa Iyo.
2
Lubos inalay—buhay lahat,
Ibinigay Mo'y sa Iyo dapat.
Sabihan Mo ako,
Susunod sa Iyo.
Hanggang walang hanggan,
Ika'y sundan.
3
Lubos inalay—pilak, ginto,
Anong yaman ng 'binigay Mo!
Lahat pawang sa Iyo,
Ako'y binili Mo;
Angkinin Mo ako,
O Hesus ko!
4
Lubos inalay—ako ay Iyo,
Tagapagligtas na dibino;
Ikaw ang buhay ko
Kapuspusan sa Iyo;
Si Kristo, di ako
Ang mamuno.