1
Tinig ni Hesus narinig ko,
"Halina sa Akin,
Mga nabibigatang-loob,
Magpahinga sa 'kin."
Pagal, pagod, at pighati
Sa Kanya'y lumalapit
Ako'y sa Kanya napahinga
Puso ko'y sumaya.
"Halina sa Akin,
Mga nabibigatang-loob,
Magpahinga sa 'kin."
Pagal, pagod, at pighati
Sa Kanya'y lumalapit
Ako'y sa Kanya napahinga
Puso ko'y sumaya.
2
Tinig ni Hesus narinig ko,
"Libre kong 'binigay
Sa uhaw na mga kalulwa
Ang tubig ng buhay."
Sa Kanya 'ko'y lumalapit
Na may bukas na puso,
Sa pag-inom, uhaw napawi,
Kalul'wa'y nabawi.
"Libre kong 'binigay
Sa uhaw na mga kalulwa
Ang tubig ng buhay."
Sa Kanya 'ko'y lumalapit
Na may bukas na puso,
Sa pag-inom, uhaw napawi,
Kalul'wa'y nabawi.
3
Tinig ni Hesus narinig ko,
" 'Ko'y ilaw ng mundo
Bumaling ka lamang sa Akin
Ko'y sisinag sa iyo."
Babaling ako kay Hesus
Na aking araw at tala.
Kaya't sa Kaniyang liwanag
Lakad na may galak.
" 'Ko'y ilaw ng mundo
Bumaling ka lamang sa Akin
Ko'y sisinag sa iyo."
Babaling ako kay Hesus
Na aking araw at tala.
Kaya't sa Kaniyang liwanag
Lakad na may galak.
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?