Ako'y tinubos 'di ng pilak ni ginto

B177 E303 P164 R512 S147 T303
1
Ako'y tinubos 'di ng pilak ni ginto;
Di panlupang yaman, niligtas ako.
Ang dugo sa krus ang tangi kong sandigan;
Kamatayan Niya'y aking kasakdalan.
 
Ako'y tinubos di ng pilak;
Di ginto ang pambayad;
Binili ng dugo ni Hesus,
Pag-ibig anong taos!
2
Ako'y tinubos 'di ng pilak ni ginto;
Anong bigat ng sala sa budhi ko.
Ang dugo sa krus ang tangi kong sandigan;
Maaangkin ko Kanyang kamatayan.
 
Ako'y tinubos di ng pilak;
Di ginto ang pambayad;
Binili ng dugo ni Hesus,
Pag-ibig anong taos!
3
Ako'y tinubos 'di ng pilak ni ginto;
Banal na utos pinigilan ako.
Ang dugo sa krus ang tangi kong sandigan;
Pangamba'y pinawi ng kamatayan.
 
Ako'y tinubos di ng pilak;
Di ginto ang pambayad;
Binili ng dugo ni Hesus,
Pag-ibig anong taos!
4
Ako'y tinubos 'di ng pilak ni ginto;
Kaharian hindi mabili nito.
Ang dugo ng krus ang tangi kong sandigan;
Kamatayan Niya'y aking katubusan.
 
Ako'y tinubos di ng pilak;
Di ginto ang pambayad;
Binili ng dugo ni Hesus,
Pag-ibig anong taos!