Sa nawisikan ng dugo

C216 CB265 E265 G265 K216 P140 R310 S120 T265
1
Sa nawisikan ng dugo,
Nanatili, ungguwento;
Diyos, tao nagsalamuha,
Ugnayan, napreserba.
2
Dugo'y tanda ng pagtubos,
Sala'y nilinis lubos;
Ungguwento'y 'Spiritu naman,
Nang Diyos ating makamtan.
3
Dugo'y hayag gawa ng Diyos,
Unggwento sa 'tin ang Diyos;
Sa Kanyang gawa't persona,
Sa atin nahalo Siya.
4
Sa paglinis ng dugo Niya,
Napatawad ang sala;
Sa pagpahid ng 'Spiritu
Tamasa ko'y Diyos Mismo.
5
Sa paglinis at pagpahid,
Diyos kaisa kong lagi;
Sa dugo at sa ungguwento,
Diyos bahagi kong buo.
6
Sa pananalig angkin ko,
Paglilinis ng dugo;
Nang mamuhay kasama N'ya,
Sa pagpahid tum'lima.
7
Diyos kilanlin at danasin,
Liwanag, pag-ibig din;
Bilang lahat Siya'y tamasa,
Ti-yak Diyos ang kaisa.