Ama, biyaya't dunong Mo

B24 C21 CB24 E24 G24 K21 P21 R20 S17 T24
1
Ama, biyaya't dunong Mo
Natipon kay Kristo;
Kristo, aming karunungan,
Pagtahak sa daan.
2
Lahat Mong plano'y sa Kanya,
Biyayang daan Siya;
Lahat na dunong sa Kanya,
Sa Iyo nga ang gloria.
3
Katuwiran namin ay Siya,
Kami'y matuwid na;
Aming kabanalan ay Siya,
Pinapabanal pa.
4
Katubusan din sa 'min Siya,
Sa plano Mo Ama;
Nang kami'y ganap matubos,
Tao'y malubos.
5
Sa Iyong ekonom'ya, Ama,
Iyong karunungan Siya;
Dahil nga sa Kanya kami
Sa Iyo'y pumupuri.
6
Hayag Iyong dunong sa Kanya,
Malalim, sagana;
Nguni't higit yaman, lalim
Daan Mo sa amin.