1
Saro aming bahagi,
Di mapigil papuri;
Para sa 'min binubo,
Mahalaga Mong dugo.
Lahat ng suliranin,
Nilutas ng dugo rin;
Sa dugo Mong mabisa,
Napawi ang pangamba.
Di mapigil papuri;
Para sa 'min binubo,
Mahalaga Mong dugo.
Lahat ng suliranin,
Nilutas ng dugo rin;
Sa dugo Mong mabisa,
Napawi ang pangamba.
2
Sa mabisa Mong dugo,
Natatag tipang bago;
Sa mas mabuting tipan,
Pundasyong may katat'gan.
Tinubos ng Diyos tayo,
Di ng pilak ni ginto,
Kundi ng dugong mahal,
Sa aki'y nagpabanal.
Natatag tipang bago;
Sa mas mabuting tipan,
Pundasyong may katat'gan.
Tinubos ng Diyos tayo,
Di ng pilak ni ginto,
Kundi ng dugong mahal,
Sa aki'y nagpabanal.
3
Dugo'y ibinuhos mo,
Nang tubusin ako;
At tinugong ganap din,
Matutuwid Niyang hiling.
Ang Iyong dugo'y gamitin,
Sala'y lubos linisin;
Ang budhi'y nahugasan,
Diyos buhay paglingkuran.
Nang tubusin ako;
At tinugong ganap din,
Matutuwid Niyang hiling.
Ang Iyong dugo'y gamitin,
Sala'y lubos linisin;
Ang budhi'y nahugasan,
Diyos buhay paglingkuran.
4
Nagbubukod Mong dugo,
Pinababanal ako;
Nagpepreserbang dugo,
Naging patotoo ko.
Pampalubag Mong dugo,
Nabigyang-katwiran 'ko;
Dugo Mong mapanubos,
Diyos nasiyahang lubos.
Pinababanal ako;
Nagpepreserbang dugo,
Naging patotoo ko.
Pampalubag Mong dugo,
Nabigyang-katwiran 'ko;
Dugo Mong mapanubos,
Diyos nasiyahang lubos.
5
Dugong dumaloy sa krus,
Nakasundo na ang Diyos;
Nang makaugnay ko Siya,
Sa daang mapayapa.
Pagbahagi sa dugo,
Buhay Mo matamo ko;
Sa dugo at buhay Mo,
Malaya na sa gulo.
Nakasundo na ang Diyos;
Nang makaugnay ko Siya,
Sa daang mapayapa.
Pagbahagi sa dugo,
Buhay Mo matamo ko;
Sa dugo at buhay Mo,
Malaya na sa gulo.
6
Dugong win'sik sa langit,
Higit na bagay banggit;
Dinadaig ng dugo,
Pagtuligsa ng dyablo.
Sa 'nanaig Mong dugo,
Kaaway aming talo;
Napagtagumpayan din,
Taga-akusa namin.
Higit na bagay banggit;
Dinadaig ng dugo,
Pagtuligsa ng dyablo.
Sa 'nanaig Mong dugo,
Kaaway aming talo;
Napagtagumpayan din,
Taga-akusa namin.
7
Tunay sa dugong mahal,
Salamuha ng banal;
Sa pagtakip ng dugo,
Malaya 'spiritu ko.
Salaysay ng dugo Mo,
Di kailanman maglaho;
Walang hanggang saysayin,
Ang lahat nitong galing.
Salamuha ng banal;
Sa pagtakip ng dugo,
Malaya 'spiritu ko.
Salaysay ng dugo Mo,
Di kailanman maglaho;
Walang hanggang saysayin,
Ang lahat nitong galing.
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?