Mga sagisag no'ng una

C155 CB196 E196 G196 K155 P104 R144 T196
1
Mga sagisag no'ng una,
Mga larawan Mo nga;
Mga tipo at simbolo,
Ika'y sa 'mi'y totoo.
'Pag tiningnan ang larawan,
Ikaw ay hahangaan,
Kahanga-hangang Iyong yaman,
'Samba namin Iyong tanan!
2
Pangin'on tunay Kang Paskua,
Kami'y nilampasan Niya;
Sa Iyong Sarili't pagtubos,
Kami'y nagkai-sa ng Diyos.
Ika'y Kordero ng Diyos din
Upang kami'y tubusin
Aming pantubos dugo Mo,
Ikaw ri'y pagkain Ko.
3
Makalangit na tinapay,
Tinapay rin ng buhay;
Kami nga'y humalo sa Iyo,
Makabahagi sa Iyo.
Ang Kordero at Tinapay,
Sagisag Ika'y buhay;
Sa harap Mo nagpipiging
Yaman Mo'y tamasahin.
4
Mannang makalangit Ikaw,
Pagkain araw-araw;
Panustos at pampalakas,
Kailangan ko'y may lunas.
Batong buhay Ka rin, Hesus,
Bitak, buhay umagos;
Inuman tubig ng buhay,
Di na muling mauhaw.
5
Mabuting lupang Canaan,
Mataas at mayaman;
Gatas, pulot umaagos,
Sagana di maubos,
Sa yaman Mo, tungo sa Diyos.
Pagsamba nami'y lubos;
Sa pag-ibig magka-ugpong
Pagtatayo'y susulong.