1
Pag-ibig ng Kaibigan ko
Sa aki'y higit sa lahat,
Taas higit pa sa bundok,
Ang lalim higit sa dagat.
Tunay, tapat, taimtim Siya;
Bago pa mundo'y nilikha
Purihin—'ko'y minahal na!
Sa aki'y higit sa lahat,
Taas higit pa sa bundok,
Ang lalim higit sa dagat.
Tunay, tapat, taimtim Siya;
Bago pa mundo'y nilikha
Purihin—'ko'y minahal na!
2
Nasa kataas-ta'san Siya,
Hukbong anghel sumasamba,
Dahil sa Kanyang pagsinta,
Iniwan ang luklukan Niya;
Hinanap Niya ang nawala,
'Tinakwil lahat, nagdusa,
Purihin—'ko'y hinanap Niya.
Hukbong anghel sumasamba,
Dahil sa Kanyang pagsinta,
Iniwan ang luklukan Niya;
Hinanap Niya ang nawala,
'Tinakwil lahat, nagdusa,
Purihin—'ko'y hinanap Niya.
3
Sa daan Siya'y nag-iisa,
Walang kasama't alalay,
Ang pighati at lungkot Niya,
Siya at Diyos tanging may malay.
Walang hinto Siyang tumungo
Sa abang kalagayan ko,
Purihin—nakita Niya 'ko.
Walang kasama't alalay,
Ang pighati at lungkot Niya,
Siya at Diyos tanging may malay.
Walang hinto Siyang tumungo
Sa abang kalagayan ko,
Purihin—nakita Niya 'ko.
4
Dumating ang trahedya nga,
Nang ipinagkanulo Siya,
Tinik ang nasa ulo Niya,
Nilatigo at dinusta,
Sa halip ko, Siya'y nagdugo
At namatay sa Kalbaryo,
Purihin—tinubos Niya 'ko.
Nang ipinagkanulo Siya,
Tinik ang nasa ulo Niya,
Nilatigo at dinusta,
Sa halip ko, Siya'y nagdugo
At namatay sa Kalbaryo,
Purihin—tinubos Niya 'ko.
5
Habang buhay ko'y awitin,
Pag-ibig Niya kay hiwaga,
Sa piling Niya ako'y dalhin,
Manahan sa harapan Niya;
Ang mukha Niya ay makita,
Ako'y pupuri't sasamba,
Purihin—mahal ko rin Siya.
Pag-ibig Niya kay hiwaga,
Sa piling Niya ako'y dalhin,
Manahan sa harapan Niya;
Ang mukha Niya ay makita,
Ako'y pupuri't sasamba,
Purihin—mahal ko rin Siya.
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?
Iligan, Buru Un, Philippines
I always am happy.