Nagpapaloob ng lahat

CB1164 Cs253 E1164 F116 G1164 R273 S245 T1164
1
Nagpapaloob ng lahat
Hesus na lupain
Kristong batis lahat sa ‘kin
Bumubulwak sa lalim.
Sibol sa lambak at burol
Pagdaloy Niya’y nagpupuno
Ng buhay Nya kay lwalhati—
Sa atin.
2
Hesus lupain ng trigo—
Sa krus S’ya’y pinako.
Sa pagkabuhay buhay Niya
Sagisag sebada.
Lupain ng ubas, igos-
Dugo’t alak nagpasaya
Kristong lupain nagtustos
Nas’yahan!
3
Kay yaman, saganang Kristo:
Granadang totoo;
Langis ng punong olibo
Nagpapahid sa ‘tin,
Nagtutustos gatas, pulot
Dala’y kasiyahan, tamis
Ating Kristo labis-labis!
O Kristo!
4
Sa ‘ting mabuting lupain
Di salat pagkain-
Walang kulang ni katiting
Siya’y mayaman at puno.
Malawak Siya na lupain;
Siya ay lubos na kumpleto.
Lumalawak Siyang lupain
Sa puso!
5
Lupaing bakal at bato,
Awtoridad Kristo
Solidong Kristo’y hukayin
Kaaway Niya’y gapusin.
Tulad ng tansong binuli
Sa dusa ay dalisayin
Magapos, mapadalisay
Kailangan.
6
Aming pinagpapala Ka,
Kristo na lupain!
Nagpapaloob ng lahat
Pagkai’y sumasapat!
Turuan kaming magpagal
Sa realidad malawak;
Galak at gawain Kristong
Lupain!