1
Kay inam! Tinig ng puri,
Sa lahat ng dako't oras;
Kung wika nati'y tinimpi,
Sigaw ng bato'y lalabas.
Sa lahat ng dako't oras;
Kung wika nati'y tinimpi,
Sigaw ng bato'y lalabas.
2
Dahil sa dugo'y binili,
Tayo'y magpuri sa Kanya,
'Binigay Niya ang Sarili,
Kamataya'y tinikman Niya.
Tayo'y magpuri sa Kanya,
'Binigay Niya ang Sarili,
Kamataya'y tinikman Niya.
3
May tanging awit sa mundo,
Alam ng salaring ligtas,
Di alam ng ibang tao
Na di pa nakararanas.
Alam ng salaring ligtas,
Di alam ng ibang tao
Na di pa nakararanas.
4
Anghel makapagsasabi:
Habag nagmula sa dugo,
Nguni't tayo'y may bahagi
Sa bisa't biyaya nito.
Habag nagmula sa dugo,
Nguni't tayo'y may bahagi
Sa bisa't biyaya nito.
5
Anghel pupuri't sasamba,
Umaamin na Siya ay Diyos,
Nguni't maging sa trono, Siya
Ay may pagka-taong lubos!
Umaamin na Siya ay Diyos,
Nguni't maging sa trono, Siya
Ay may pagka-taong lubos!
6
Pagsinta Mo ang dahilan
Ng pagkamatay Mo sa krus;
Pagbalik Mo'y aabangan,
Papuri't pagsamba'y puspos.
Ng pagkamatay Mo sa krus;
Pagbalik Mo'y aabangan,
Papuri't pagsamba'y puspos.
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?