Panahon na nag-isa Ka

C92 E110 K92 T110
1
Panahon na nag-isa Ka!
Anong karimlan nga!
Ang bugtong na Anak ng Diyos
Para sa tao'y namatay
Nakapanlupaypay,
Poon ng glorya 'pinako,
Poon ng buhay nagdugo!
2
Buhay at kamatayan Niya,
Sadyang mahimala.
Ito'y sentro, walang hanggan,
Mga mata Siya'y titingnan.
Siya nga'y papurihan!
Poon, krus na Iyong pinasan,
Aking kapakinabangan.
3
Nang tumingala sa krus Mo,
Puso ko'y nahipo;
Kamatayan sa kalbaryo
Nahayag ang pag-ibig Mo
Anong dusa sa Iyo!
Puso'y durog sa Iyong sabi:
"Eli lama sabachthani."
4
Dapat nga'y mamatay kami
Amin din ang ganti
Nguni't Bugtong na Anak Niya
Pinasan sala't nagdusa,
Katwiran nanghusga.
Napako ngang kasama Ka,
Namatay ngang kasama Ka.
5
Kasama kaming nabuhay,
Nabuhay sa patay;
Ulo Ka't kami'y Katawan,
Sa Diyos tayo ay kabilang,
Pala Niya'y nakamtan.
Kami noo'y nasa sumpa,
Ngayon tawag "Abba Ama".