Halina mga may sala

C721 E1032 K721 T1032
1
Halina mga may sala,
Maysakit, nanghihina;
Magligtas Hesus ay handa,
Puno ng sinta't awa:
Kayang-kaya, kaya nga Niya,
H'wag magduda, nais Niya.
2
May kulang at may kailangan;
Tanggapin libreng yaman;
Maniwala't magsisi ka,
Mabibigyan kang b'yaya,
Walang bayad, libreng-libre,
Kay Kristo ka bumili.
3
Huwag hayaan ang budhi mo,
Magpaantala sa iyo;
Pa'ngai-langan mo sa Kanya
Ginawang marapat ka:
Ibibigay nga Niya sa Iyo,
Ang Espiritu Santo.
4
Halikayong mga pagod,
Wasak sa pagkatisod;
Kung magpapakabuti pa,
Ang daratnan mo'y wala.
Di ang mat'wid pinuntahan,
Kundi makasalanan.
5
Manunubos nanalangin,
Namighati sa hardin;
Sa duguang krus masdan Siya!
Makinig sa sigaw Niya,
"Natapos na!" "Natapos na!",
Di ba ito'y sapat na?
6
Umakyat Diyos na 'ging laman,
Bisa ng dugo'y tangan;
Asahan Siya, nang lubusan;
Huwag mag-alinlangan:
Hesus lamang maasahan,
Gawan kang kabutihan.