Taong lumikha ng mundo

E100 R75 T100
1
Taong lumikha ng mundo
Dahil tao naging sumpa
Kahilingang S’yang gumawa
Sukdulang binayaran Niya.
2
Mga banal na daliri
Tinik na putong ginawa
Mga pako sa kamay Niya
Sa kubling lugar na mina.
3
Sa gubat pinasibol Niya
Punong Siya’y nabayubay
Sa likhang burol tinayo
Krus na kahoy do’n namatay.
4
Kumalat at nangibabaw
Dilim sa lupa’t ulo Niya
Nagkubli sa Kanya’ng araw
Sa utos Niya’y hinawakan.
5
Dugong precioso’y umagos
Sa sibat na panday ng Diyos
Batong puntod tinabas Niya
Hinimlay katauhan Niya.
6
Sa tronong nakikita Siya
Noo’y walang hanggang Kanya
Ngayon putong bagong glorya
Lahat yuyukod sa Kanya.