â Di mo pa kaya Siya nakita

B248 C333* CB437 E437 G437 K333 LSM103 S186 Tc333
1
â Di mo pa kaya Siya nakita?
Puso mo’y di pa naakit Niya?
Una Siya sa lahat, iyong bahagi,
Sa iyo ang pinakamabuti.
 
Unang tao Ka sa laksa-laksa!
Bihagin Mo aking puso’t mata,
Mga diyus-diyusan binasag ko na,
Unang tao Ka sa laksa-laksa!
2
Karangyaan ng mundo’y pawing
Nakababaliw na diyus-diyusan,
Tubog sa ginto: tukso ng luho,
Babad sa pulot: silo sa iyo.
3
Laos ang ganda ng diyus-diyusan
Hindi dahil sa kabiguan,
Kundi sa pagsilay ng mahal na
“Walang kaparis na halaga!”
4
Nagiging abo ang diyus-diyusan
Hindi sa gawang sapilitan;
Kundi sa ganda at pag-ibig Niya
Na dumaloy at napakita.
5
Sino’ng papatay ng ilawan
Kundi sa pagbukang-liwayway?
Sino ang liligpit ng pangginaw
Kundi dumating ang tag-araw?
6
Ang luhang nakita ni Pedro,
Mukhang nakita ni Esteban,
Pusong nakitangis kay Maria,
Ang nagligtas sa makalupa.
7
Kaawaan at akitin Mo
Hanggang mapuno ang puso ko;
Kami’y Iyong tinubos, Iyong kasama,
Sa diyus-diyusan may ugnay pa ba?