1
Bawa’t buhay may kam’layan
Ng buhay, sa kalooban,
Buhay nating walang hanggan
May dibinong kamalayan.
Ng buhay, sa kalooban,
Buhay nating walang hanggan
May dibinong kamalayan.
2
Mas mat’as uri ng buhay,
Kamalaya’y mas mahusay;
Pinakamataas na malay -
Nasa maka-Diyos na buhay.
Kamalaya’y mas mahusay;
Pinakamataas na malay -
Nasa maka-Diyos na buhay.
3
Sa loob, malay ng buhay,
Ito’y malay ng Diyos lagi;
Sa ’spiritung muling-nabuhay,
Higit sa malay ng buti.
Ito’y malay ng Diyos lagi;
Sa ’spiritung muling-nabuhay,
Higit sa malay ng buti.
4
Panloob na kamalayan,
Nasa ’ting kaibuturan;
In’aninaw sa kalooban,
Nang nais ng Diyos malaman.
Nasa ’ting kaibuturan;
In’aninaw sa kalooban,
Nang nais ng Diyos malaman.
5
Dahil sa malay sa loob,
Ang Diyos ating nakilala;
Malay ng buhay-panloob,
May kalakasan at kusa.
Ang Diyos ating nakilala;
Malay ng buhay-panloob,
May kalakasan at kusa.
6
Kung mas malago ang buhay,
Mas tumatalas ang malay;
Higit kumilos sa buhay,
Lalong titindi ang malay.
Mas tumatalas ang malay;
Higit kumilos sa buhay,
Lalong titindi ang malay.
7
Sanaying lubos ang malay,
Lalakas ang espiritu,
Pagsasalamuha’y tunay -
’Pag malay ng Diyos narito.
Lalakas ang espiritu,
Pagsasalamuha’y tunay -
’Pag malay ng Diyos narito.
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?