1
Si Kristo’y sentro ng Diyos,
Pangkalahatan ng Diyos,
Lugod ng Diyos at galak,
Sa buong eternidad.
Pangkalahatan ng Diyos,
Lugod ng Diyos at galak,
Sa buong eternidad.
2
Pag’sakatawan ng Diyos,
Kapuspusan tumahan;
Dibinong kataasan,
Di Siya mahihigitan.
Kapuspusan tumahan;
Dibinong kataasan,
Di Siya mahihigitan.
3
Sa Kanya’y layon ng Diyos,
Lahat Kanyang mapuspos,
Lahat ng langit, lupa,
Para sa Kanyang glorya.
Lahat Kanyang mapuspos,
Lahat ng langit, lupa,
Para sa Kanyang glorya.
4
Likha’y para sa Kanya,
Umiral d’hil sa Kanya;
’Tinatag d’hil sa Kanya,
Sentro’t palibot ay Siya.
Umiral d’hil sa Kanya;
’Tinatag d’hil sa Kanya,
Sentro’t palibot ay Siya.
5
Siyang lahat sa pagtubos,
Sa Kanya’y napalubos;
D’hil sa bisa ng dugo,
Lahat sa Diyos ’kasundo.
Sa Kanya’y napalubos;
D’hil sa bisa ng dugo,
Lahat sa Diyos ’kasundo.
6
Simula ng lahat Siya,
Ulo rin ng ekklesia;
Siya nga sa mga patay,
Ang talagang panganay.
Ulo rin ng ekklesia;
Siya nga sa mga patay,
Ang talagang panganay.
7
Hari sa kaharian,
Kanya’y kapangyarihan;
Namahala sa glorya
Maging sa langi’t lupa.
Kanya’y kapangyarihan;
Namahala sa glorya
Maging sa langi’t lupa.
8
Sa Bagong langi’t lupa,
Sentro ng lahat ay Siya;
Pagka-Diyos, pagkatao
Walang-hanggan Siyang sentro.
Sentro ng lahat ay Siya;
Pagka-Diyos, pagkatao
Walang-hanggan Siyang sentro.
9
Layon ng Diyos kay Kristo,
Sa lahat unang p’westo;
At gayong isang Kristo,
Maging karanasan ko.
Sa lahat unang p’westo;
At gayong isang Kristo,
Maging karanasan ko.
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?