1
Tinalikdan ko ang mundo pati ang kaaliwan,
Tinutuon aking puso sa mas banal na yaman;
Di na ako maaakit ng silaw makamundo;
Natawid ko na ang linyang naghiwalay sa mundo.
Tinutuon aking puso sa mas banal na yaman;
Di na ako maaakit ng silaw makamundo;
Natawid ko na ang linyang naghiwalay sa mundo.
Layung-layo na sa likuran ko!
Natawid ko na ang linyang
Naghiwalay sa mundo.
Natawid ko na ang linyang
Naghiwalay sa mundo.
2
Buhay ng pagkakasala aking tinalikdan na;
Ang aking tuntungan ngayon si Kristo walang iba;
Ngayon sa ilalim ng krus ako ay nasumpungan;
Ako’y lumipat sa buhay mula sa kamatayan.
Ang aking tuntungan ngayon si Kristo walang iba;
Ngayon sa ilalim ng krus ako ay nasumpungan;
Ako’y lumipat sa buhay mula sa kamatayan.
Layung-layo na sa likuran ko!
Ako’y lumipat sa buhay
Mula sa kamatayan.
Ako’y lumipat sa buhay
Mula sa kamatayan.
3
Ako’y hindi na babalik sa dati kailan pa man,
Pagka’t dito ay payapa, wala nang kahatulan;
Pinalitan ko ang mundo ng aking Panginoon,
Hindi ko na babalikan mundong aking tinapon.
Pagka’t dito ay payapa, wala nang kahatulan;
Pinalitan ko ang mundo ng aking Panginoon,
Hindi ko na babalikan mundong aking tinapon.
Layung-layo na sa likuran ko!
Hindi ko na babalikan
Mundong aking tinapon.
Hindi ko na babalikan
Mundong aking tinapon.
4
Hanggang sa kawalang-hanggan, Kristo lamang ang akin,
Liban sa Kanyang pag-ibig, wala na akong hiling;
Di na ako mabubulag, ang puso ko’y kay Kristo;
Tinawid ko’ng Pulang Dagat, tinalikdan ang mundo.
Liban sa Kanyang pag-ibig, wala na akong hiling;
Di na ako mabubulag, ang puso ko’y kay Kristo;
Tinawid ko’ng Pulang Dagat, tinalikdan ang mundo.
Layung-layo na sa likuran ko!
Tinawid ko’ng Pulang Dagat
Tinalikdan ang mundo.
Tinawid ko’ng Pulang Dagat
Tinalikdan ang mundo.
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?