1
Nang nasa likas na tao,
Dama ko’y malakas ako;
Sarili di nakilala
Na mahina!
Dama ko’y malakas ako;
Sarili di nakilala
Na mahina!
2
Sa sanlibutan namuhay,
Akala’y lahat nataglay;
Nagmalaki sa sarili,
Nagpursigi.
Akala’y lahat nataglay;
Nagmalaki sa sarili,
Nagpursigi.
3
Nang sa dilim nananahan,
Hindi batid kababawan,
Abala’y walang hangganan,
Kayabangan.
Hindi batid kababawan,
Abala’y walang hangganan,
Kayabangan.
4
Nang dumulog sa Iyong harap,
Liwanag sa ’kin suminag;
Di nakita noon, sadya
Nahantad na.
Liwanag sa ’kin suminag;
Di nakita noon, sadya
Nahantad na.
5
Nanliliit sa Iyong harap,
Sariling lakas lumipas,
Kapalaluan humina,
Naging aba!
Sariling lakas lumipas,
Kapalaluan humina,
Naging aba!
6
Kabulaga’t kamangmangan
Ang aking kapalaluan;
Pinatigas kalul’wa ko,
Mula puso!
Ang aking kapalaluan;
Pinatigas kalul’wa ko,
Mula puso!
7
Maipagmalaki’y wala,
Pag-asa’t sandigan wala;
Magsisi, nakakahiya,
Magdasal pa?
Pag-asa’t sandigan wala;
Magsisi, nakakahiya,
Magdasal pa?
8
Dugo naghugas sa sala,
Ang buhay Mo nagpalaya.
Marungis akong talaga,
Nakakah’ya!
Ang buhay Mo nagpalaya.
Marungis akong talaga,
Nakakah’ya!
9
Lahat ng palalo’y mangmang,
Di batid katotohanan;
Puso’y siya sa sarili.
Nasa dilim!
Di batid katotohanan;
Puso’y siya sa sarili.
Nasa dilim!
10
Tumahimik ako’y mali,
Kumilos man, ako’y mali;
Mahina na’t pawang bigo,
Ganyan ako!
Kumilos man, ako’y mali;
Mahina na’t pawang bigo,
Ganyan ako!
11
Manalangin, mananalig,
Sa Iyo lang ako’y sasandig;
Puso mapabago nawa,
Mahabag Ka!
Sa Iyo lang ako’y sasandig;
Puso mapabago nawa,
Mahabag Ka!
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?