1
Walang hadlang, O Panginoon,
Sa pagitan natin;
Ilapit kalulwa
L’walhati’y makita.
Walang hadlang, walang hadlang.
Sa pagitan natin;
Ilapit kalulwa
L’walhati’y makita.
Walang hadlang, walang hadlang.
2
Walang hadlang, O Panginoon;
Tinig Mo’y diringgin;
Ingay ng daigdig,
Huwag sanang marinig,
Walang hadlang, walang hadlang.
Tinig Mo’y diringgin;
Ingay ng daigdig,
Huwag sanang marinig,
Walang hadlang, walang hadlang.
3
Walang hadlang, O Panginoon;
Ni pagkabalisa,
Ni luha ni dasal,
Sariling sagabal,
Walang hadlang, walang hadlang.
Ni pagkabalisa,
Ni luha ni dasal,
Sariling sagabal,
Walang hadlang, walang hadlang.
4
Walang hadlang, O Panginoon;
Alinlanga’t takot,
Pawang maglalaho,
Kung malapit sa Iyo,
Walang hadlang, walang hadlang.
Alinlanga’t takot,
Pawang maglalaho,
Kung malapit sa Iyo,
Walang hadlang, walang hadlang.
5
Walang hadlang, O Panginoon;
Sa ’kin ay sumilay;
Ulap ay pawiin,
Puso ko’y aliwin,
Walang hadlang, walang hadlang.
Sa ’kin ay sumilay;
Ulap ay pawiin,
Puso ko’y aliwin,
Walang hadlang, walang hadlang.
6
Walang hadlang, O Panginoon,
Lakad ko’t paningin,
Nawa ay Ikaw rin;
Ako’y Iyong angkinin,
Walang hadlang, walang hadlang.
Lakad ko’t paningin,
Nawa ay Ikaw rin;
Ako’y Iyong angkinin,
Walang hadlang, walang hadlang.
7
Walang hadlang, O Panginoon;
Paningin ko’y buksan;
Walang hanggang ilaw,
Sa dilim tumanglaw,
Walang hadlang, walang hadlang.
Paningin ko’y buksan;
Walang hanggang ilaw,
Sa dilim tumanglaw,
Walang hadlang, walang hadlang.
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?