1
Pasok, O pasok, bukas ang pinto,
Ito’y Iyong tinig, nakilala ko;
Araw lumubog, hangin humihip
Pasok Manliligtas, aking ibig.
Ito’y Iyong tinig, nakilala ko;
Araw lumubog, hangin humihip
Pasok Manliligtas, aking ibig.
2
O, anong gulo ng buong silid,
Kagamitan kalat sa paligid;
Mesa’t silya’y dapat pang ayusin,
Anong pagtanggap sa Panauhin!
Kagamitan kalat sa paligid;
Mesa’t silya’y dapat pang ayusin,
Anong pagtanggap sa Panauhin!
3
Nguni’t gayon nga ang kalagayan,
Kaya Kita ay inanyayahan;
Itong kaguluha’t kadiliman
Liwanag Mo at kamay kailangan.
Kaya Kita ay inanyayahan;
Itong kaguluha’t kadiliman
Liwanag Mo at kamay kailangan.
4
Sa harap ng mabuting Kaibigan,
Di ko hangad ayusin anuman;
Kahit pa ayusin di gaganda,
Pagpasok Mo tuloy naantala.
Di ko hangad ayusin anuman;
Kahit pa ayusin di gaganda,
Pagpasok Mo tuloy naantala.
5
Pasok, h’wag nang maghanap, gawin lang,
Ang puso ko angkop Mong tirahan;
Paalisin dilim, takot, sala
Pasok, Pangino’ng Hesus, ngayon na!
Ang puso ko angkop Mong tirahan;
Paalisin dilim, takot, sala
Pasok, Pangino’ng Hesus, ngayon na!
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?