Ang trono at putong iniwan Mo

C732 CB1060 E1060 K732 T1060
1
Ang trono at putong iniwan Mo
Para sa ’kin pumarito;
Sa bahay sa Betlehem walang kwarto
Sa banal na pagsilang Mo.
 
O, sa ’king puso, Po’ng Hesus!
May puwang para sa I-yo.
O, pumasok Ka, Po’ng Hesus,
Sa puso ko’y may p’wang sa Iyo.
2
Umali’ngaw tinig makalangit
Maharlikang taas banggit;
Iyong pagsilang gayunma’y pakumbaba,
Pagdating Mo sa lupa.
3
Sorra’t ibon may pahinga’t pugad
Sa kakahuyang malapad;
O Ikaw Anak ng Diyos, Iyong higaan:
Ilang ng Galilea lang.
4
Dala Mo ang buhay na Salita
Sa tao’y magpalaya;
Nguni’t Ika’y hinamak, kinutya,
At sa krus ’pinako Ka.
 
O, sa ’king puso, Po’ng Hesus!
Krus Mo ang tanging samo ko;
Halina sa puso ko, Hesus,
Krus Mo ang tanging samo ko.
5
Makalangit tutunog, aawit,
Sa ’tagumpay ’ka’y sumapit;
Tinig Mo tawagin ako: “May puwang dito
May puwang Ako sa i-yo.”
 
Puso ko’y magagalak, Hesus!
Pagparito Mo’t tawagin ’ko;
Puso ko’y magagalak, Po’ng Hesus!
Pagparito Mo’t tawagin ’ko.