Masdan, Panginoon naghahari ngayon sa mundo!
Masdan, Panginoon naghahari ngayon sa mundo!
1
|
Masdan, Panginoon naghahari ngayon sa mundo! Magsaya tayo sa walang-hanggang pamumuno Niya! Lak’san natin papuring-awit sa pagkakaisa – Tagumpay natamo! |
Tagumpay na aleluya Tagumpay na aleluya Tagumpay na aleluya Tagumpay natamo! |
|
2
|
Hinagis na ang dragon, matandang ahas na d’yablo; Wala na ang mga araw ng panlilinlang ni-ya, Papuri ay yayanig tulad ng kulog sa mundo, Tagumpay natamo! |
3
|
Kaligtasan, lakas, kaharian ng Diyos dumating; Tagapagsumbong ng kapatiran yurakan natin! Awtoridad ni Kristo sa ekklesia ay tuntunin, Tagumpay natamo! |
4
|
Tagapagsumbong nadaig ng dugo ng kordero; At paghahayag din ng salita ng patotoo; Kalulwa’y huwag ibigin hanggang sa kamatayan Tagumpay natamo! |
5
|
Nguni’t pakinggan pa ang isang malakas na tinig; Babilonia ay bagsak, bagsak – tayo ay magalak! Lumabas tayo sa kanya, walang hanggang pagpili- Tagumpay natamo! |
6
|
Ina ng mga patutot, Babiloniang Dakila! Kinapootan natin lahat ang kasamaan niya! Dobleng hatol ng Diyos sa kanya sa ‘tin nagpasaya, Tagumpay natamo! |
7
|
Sa ating Diyos aleluya, gloria, kapangyarihan, Sa babaeng masama tunay, mat’wid ang hatol Niya, Sa pagkasunog niya laksan awitin aleluya! Tagumpay natamo! |
8
|
Diyos purihin natin ngayon tinig Niya’y pumipilit, Gaya’y lagaslas ng mga tubig laksan ang awit; Makapangyarihang Diyos aleluya naghahari Tagumpay natamo! |
9
|
Magalak at magsaya! Luwalhati ay nakita! Sa kasal ng Kordero, asawang babae’y handa! Ginayakan ng pinong lino, makinang, dalisay- Tagumpay natamo! |
10
|
Nakita ni Juan D’yablo ay nasa dagat ng apoy , Aleluya wala na sa ‘tin ang pangyayamot niya! Mga banal isigaw tagumpay kahatulan niya- Tagumpay natamo! |
11
|
Masdan dakilang Bagong Jerusalem bumababa! Siya’ng paghahalong sakdal ng Tres-unong Diyos sa tao! Diyos natapos gawain ng Nobyang handa kay Kristo- Tagumpay natamo! |
12
|
Tabernakulo ito ng Diyos, tahanan Niya’y tao, Sa kanila nahayag lwalhati Niya’t kabanalan, Pagmasdan natin “tapos na” ang Bagong Herusalem! Tagumpay natamo! |
Aleluya, Aleluya! Aleluya, Aleluya! Aleluya, aleluya! Tagumpay natamo! |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?