Diyos, karapatan, binigay

1
Diyos, karapatan, binigay
Maging layunin at premyo,
Dahil tayo’y ekklesia’ng panganay
Bahagi’y dapat  matanto.
2
Dobleng parte ng lupain
Pamana kay Jose’t natin,
Tayo’y manatiling puro
Sa sala damit malayo.
3
Pagkasaserdote’y bigay
Kay Levi bilang mana n’ya,
Nawalan man ng pamilya
Bagay ng Diyos naging kanya.
4
Ang pagkahari’y kay Juda,
Dahil Jose’y inaruga
Sa nagdusang si Benjamin
Siya’y tunay n’yang aliw din.
5
Dobleng bahagi’y hangarin
Pagka saserdote’t hari,
Para sa Iyo Panginoon
Karapatan ay habulin.
6
Tayo’y magbayad halaga,
Itatwa ako, kalul’wa
Paghangad sa karapatan
Panginoon ang makamtan.
7
Binigay pangako sa ‘min,
Karapatan ‘wag hamakin,
Magningas nang matamo Ka
At karapatan matanto.